KAYO PONG NAKAUPO….

Ano bang meron sa gobyerno na wala sa kababayan mo?

Balita ko, hindi mo raw pinirmahan ang dagdag SSS pension para saga tao.
Pero ang laki raw ng mga bonus mo sa mga tauhan mo.

Ano bang meron sa taong bayan na wala sa gabinete mo at hindi mo kayang gawin ito para sa kapwa mo pilipino?

Oo. Alam kong sasabihin mo na mahirap ang tungkulin mo. Naiintindihan ko. Pero may mga katwiran ka kasing hindi rin namin naiintindihan.

Nagsasabi at nagsasalita lang ako. Mahirap naman kasi kung nakikita ko nang naghihirap ang kapwa ko pilipino eh magbubulagbulagan na lang ba ako at mananahimik?

Minsan kitang pinaburan sa mga adhikain mo. Ngunit unti unti ring lumabasa ang baho mo.
Sa ginagawa mo, hindi ko alam kung sasang-ayon ang mga bayani. Dahil kami ngang mga kababayan mo ay hindi natutuwa, sila pa kaya?

Lagi mong pinagtatakpan ang gobyerno sa kanilang pagkakamali pero ang kapwa mo pilipinong inaakusahan ng pagkakamali sa ibang bayan ay iyong hinahayaan.

Nirerespeto ko ang binigay na kalayaan ng iyong mga magulang sa ating bayan.
Pero sana respetuhin at pakinggan mo rin ang boses ng iyong kababayan.

‘Diba kami ang boss mo? O kris aquino?

#Bwiset #pulpolitika #haynako #boom #panot #sorrynotsorry

-Kc

Sulat para sayo, mahal.

image

Nais kong maging manunulat
Pangalan mo ang aking pamagat
Kaya naman basahin mo ang bawat obra ko
Pagkat ikaw lang ang meron ako.

Mahal kita, nang walang halong breezy
Kaya’t maging boses mo’y nasa aking isip
At marami ako sa iyong gustong sabihin,
Hangga’t mahal kita, willing akong ito’y isa-isahin.

Minsan sinabi mo saakin, “mahal mo ba talaga ako?”
At ito ang nasambit ko
“Sino ka para pagdudahan ang pagmamahal ko sayo?”

Kaya’t hanggang maubos ang tinta ng aking ballpen
At malagas ang bawat papel
Wala kang maririnig saaking sumbat
Anuman ang mga pahirap
Pagkat nais kong maging manunulat
At ikaw ang nananalaytay sa bawat letrang aking sinusulat.

(Dec.31,2015 8:32PM)

-Kc

Pagpuri sa lugaw ni lola.

Umuwi kami ng bicol noon,
Unang sulyap kay lola matapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang nagbabagang kalooban. At sa muling pagkikita doon ko nalasap ang lugaw na doon ko lang natikman sa buong buhay ko.

Umaga noon, bagong gising. Inaya ako ng aking mahal na lola upang magumagahan.

At doon ko nakita ang inosenteng lugaw na luto niya.
Inosente sa paraan ng mga rekados ay bagong hango pa lamang.
Mula sa butil na kanin na bagong ani, hanggang sa tubig na mula pa sa malinis na bundok.
Sa unang tikim, doon ko naisip kung gaano na kalaki ang agwat ng Maynila mula sa aming probinsya. Marahil ay pangat na ang lugaw sa maynila. Pangatlong init. Pangatlong araw.

Punong puno ng kadalisayan ang lugaw na nakita ko. naisip ko na maging ang kababaihan ay may iba’t ibang lasa na rin gaya sa Maynila. pero gaya ng lugaw ni lola ang mga babae sa probinsya ay kimí, mahinhin at dalisay.

Hindi ko alam kung bakit naisip ko ang pagkakaiba sa pagitan ng Maynila at ng probinsya habang kinakain ko lugaw ni lola.

Hanggang sa huling subo ko ng isang kutsarang lugaw ay naisip ko na gawa ito sa pagmamahal pagkat di gaya sa Maynila na ang bawat bagay, kilos o pagkain ay may katumbas na bayad, pera o salapi. Patuloy ko itong kinain. Hanggang sa maubos ko. At napaisip ako kung bakit ko napagkumpara ang probinsya at Maynila. Dahil ang lugaw ni lola ay parang probinsya. Inosente at dalisay pero gawa sa pagmamahal.

Walang lasa.