Pagpuri sa lugaw ni lola.

Umuwi kami ng bicol noon,
Unang sulyap kay lola matapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang nagbabagang kalooban. At sa muling pagkikita doon ko nalasap ang lugaw na doon ko lang natikman sa buong buhay ko.

Umaga noon, bagong gising. Inaya ako ng aking mahal na lola upang magumagahan.

At doon ko nakita ang inosenteng lugaw na luto niya.
Inosente sa paraan ng mga rekados ay bagong hango pa lamang.
Mula sa butil na kanin na bagong ani, hanggang sa tubig na mula pa sa malinis na bundok.
Sa unang tikim, doon ko naisip kung gaano na kalaki ang agwat ng Maynila mula sa aming probinsya. Marahil ay pangat na ang lugaw sa maynila. Pangatlong init. Pangatlong araw.

Punong puno ng kadalisayan ang lugaw na nakita ko. naisip ko na maging ang kababaihan ay may iba’t ibang lasa na rin gaya sa Maynila. pero gaya ng lugaw ni lola ang mga babae sa probinsya ay kimí, mahinhin at dalisay.

Hindi ko alam kung bakit naisip ko ang pagkakaiba sa pagitan ng Maynila at ng probinsya habang kinakain ko lugaw ni lola.

Hanggang sa huling subo ko ng isang kutsarang lugaw ay naisip ko na gawa ito sa pagmamahal pagkat di gaya sa Maynila na ang bawat bagay, kilos o pagkain ay may katumbas na bayad, pera o salapi. Patuloy ko itong kinain. Hanggang sa maubos ko. At napaisip ako kung bakit ko napagkumpara ang probinsya at Maynila. Dahil ang lugaw ni lola ay parang probinsya. Inosente at dalisay pero gawa sa pagmamahal.

Walang lasa.

Advertisements

4 thoughts on “Pagpuri sa lugaw ni lola.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s