Beware of ‘batang hamog’

Papunta ako kanina sa school para umattend sa fashion show namin sa lit na siyang kinadahilan ng pagbaba ng self esteem ko. Tamad na tamad talaga ako kagabi pa.
Naalala ko sabi ng mom ko, “Kapag mabigat kalooban mo pag aalis, wag mo na ituloy.” Pero tumuloy pa din ako kasi mahirap kung nganganga ako sa show at sa grade. So nung papunta nako, huminto yung jeep sa may bandang mrt sa pasay. Im sure na lima lang talaga kaming babae dun. Then biglang may umakyat na ‘batang hamog’ sa jeep. Nanghihingi siya ng pera. Gutom na daw sya. Ako yung una niyang kinulit pero di ko siya pinapansin. Kasi wala rin talaga akong pera kanina. Sakto lang. Nangulit siya sa iba pero binalikan niya talaga ako. At patuloy na kinukulit. Naiinis nako. “Ate pahinging pera. Kahit piso lang. Maganda ka pa naman.” Hindi ko pa rin sya pinansin. Makulit pa din. Binigyan ko piso. Tinapon niya pabalik saakin. Ayaw niya daw. Manghaharass daw siya. Kahit isumbong daw sa pulis, wala daw siyang pake. Natakot ako. Binantaan niya ako. Tatandaan niya daw mukha ko. Ang tagal niya akong tinitigan. Takot na takot ako. Sabi ng mga kapwa ko pasahero, buti na lang daw at di nangsaksak ng icepick. Yung iba daw kasi ganun. At higiy sa lahat, Buti na lang may iba pang daanan para di nako dumaan dun. Punyeta. Kinakabahan pa din ako.

Pero kailangan kong maging matapang. Para makapasok at bahagi talaga ng buhay estudyante yan lalo na pag malayo ang school.

Pero may mga narealize ako:
1. Buti pa siya tatandaan ako
2. Sinabi niyang maganda ako
3. Hindi ako papatalo. Kailangan ko ng lakas ng loob at kasama ko ang diyos.
4. Only belo touches my skin. How dare him to touch me.

Pero totoo to. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yun. Shit..

#LordGuideMeAlways #badtrip #followyourinstinct #hayz

-Kc

Advertisements

One thought on “Beware of ‘batang hamog’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s