Okay lang naman diba?

Okay lang naman kung di ako maganda diba?
Kahit naman di ako maganda, pwede naman ako mag make up.
Gaganda na din ako kahit papano.

Okay lang naman kahit di ako seksi diba?
Kahit naman di ako seksi, pwede akong di kumain ng isang linggo pero basta may tubig ha? Uhawin kasi ako.
Papayat ako dun. Kahit tubig lang.

Okay lang naman kahit di ako sikat diba?
Kahit naman di ako sikat, may mga kaibigan naman ako kahit papano.
Papalike ko na lang mga picture ko sa facebook.

Okay lang naman kahit di ako makinis diba?
Kahit naman di ako makinis, may gamot naman at lotion naman.
Teka, di na lang pala ako lalabas para pumuti ako.

Okay lang naman kung di ako mayaman diba?
Di man ako kayamanan, nag aral naman ako eh.
May diploma naman ako. Yun. Pwede nakong humanap ng trabaho para maging mayaman.

Ganun kasi kita kagusto. Iniisip ko na  baka di sasapat yung pag ibig ko sayo.

Kaya naman sana lahat ng ito, matanggap mo.
Sana lahat ng to, okay sayo.
Kasi lahat ng ito ay okay lang saakin.
Basta siguraduhin mo lang na ikaw ay mapapasaakin.

#hugots #okay #lang

-Kc

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s